Tuwa at paninindigan
Thursday, May 31st, 2007Unang araw ng Hunyo ngayon. Mahigit sa dalawang linggo na akong nagtatrabaho sa Center for Media Freedom and Responsibility. Tulad ng mga nakaraang araw, pagkarating sa opisina ay binuksan ko ang desktop p.c. na nakatakda sa akin. Matapos, naglog-in ako sa Yahoo! messenger.
Ilang saglit ay may nag-iwan sa akin ng mensahe: "Nasa CMFR ka na daw?" Si Lawrence, upper classman at orgmate ko sa UP CMC. Sabi ko, "Oo, bakit po?" Sabi niya,"wala lang. Bagay ka diyan." Isa lamang ito sa mga reaksyong mala-I-told-you-so na natanggap ko mula sa mga kaeskwela ko nang malaman nila na nasa CMFR na ako. Siguro, dahil parang halos dalawang taon na akong nagtatrabaho sa CMFR. Scanner kasi ako sa JVO noong 2005 at 2006, at dito din ko din isinagawa ang internship. Alam ko naman na walang masamang ibig pakahulugan ang mga kaibigan ko. Natutuwa nga sila at natupad ang kagustuhan ko na magtrabaho sa isang NGO na tunay na tumutulong sa lipunan.
Bago pa kasi kami magtapos ay binabanggit ko na sa aking mag kaibigan na baka hindi ko magustuhan ang buhay sa isang multinational company o kaya sa isang PR firm. Hindi sa hindi ako palakaibigan at matiisin. Hindi ko langkayang sikmurain na pumasok sa isang trabaho na hindi ko maaaring maipagpatuloy ang laban na sinimulan ko noong ako ay nasa UP pa. Hindi ko din kayang talikuran ang mga aral mula sa pakikipaglaban namin sa mga mapang-aping grupo sa lipunan. Hindi ko din kayang kalimutan ang mgaturo ng mga propesor ko sa CMC tungkol sa etika at prinsipyo.
Maliban dito ay gusto ko ring maisagawa ang mga natutunan ko sa aking kurso, ang Pamamahayag. Hindi man sa dyaryo ito o sa telebisyon ito, sa tingin ko ay mas higit na maisasabuhay ko ang pagiging tunay na "watchdog" ng lipunan rito.
Sa mga susunod na post ko na lang ikukwento ang buhay dito. Mabuhay, mga kasama! Serve the People!