MOnumento MOments
Thursday, January 26th, 2006hehehe… sarap magtrip…
kagabi nanood kami ng mga orgmates ko ng Sex and Zen I…hahaha…it was funny, but the way the film was cut was soooooo bad… Hindi na namin nakuha nang buong-buo ang takbo ng kuwento…
dapat half-price lang binayaran namin…hehehe…
Pagkatapos ng pelikula, dapat ay magsisikain kami kaya lang naisipan namin na magsiuwi na…dapat ganoon nga pero sa arcade kami nauwi nina care, kirk at adan…hehehe… ang saya magsayang ng pera on fun…minsan lang naman… hehehe… Anyway na-enjoy naman namin ang TAIKO…hehehe…
After that, umuwi na kami…sa MOnumento kami dumaan ni care…at habang naglalakad kami, napagkuwentuhan namin ang mga bagay-bagay…tapos nakita namin yung mga cart ng street food, specifically cart ng lugaw at mami…napagtripan namin na kumain doon. ANG SAYA! Sobrang naenjoy namin…kasi bihira na kami kumain sa mga ganoong lugar talaga…
*badtrip talaga ako kahapon, but thanks to my friends I enjoyed the day.