Nasaan na ang PAG-ASA ng mga pag-asa ng bayan?

June 4th, 2007 by abahakoito

Hunyo. Ito dapat ang panahon ng pagbabago para sa mga kabataan. Ito dapat ang panahon ng pagkilala sa karapatan nilang makapag-aral. Ngunit, sa ilang taong nagdaan, ang buwan ng Hunyo ang nagiging saksi sa pag-apak sa karapatang ito ng mga kabataang Pilipino.

Tuwing pasukan ay sinasabi ng pamahalaan na naihanda na nila ang lahat para sa bagong academic year. Handa na ang DepEd at CHED; handa na ang kapulisan; handa na ang MMDA. Ngunit handa na ba talaga sila sa pasukan?

Nagtapos ako sa isang pampublikong haiskul at sa isang state university. Sa walong taong iyon, nasaksihan ko ang gulo ng pasukan sa mga pampublikong paaralan. Ang pagdagsa ng mga napakaraming kabataan na nagnanais na makapag-aral; ang kawalan ng kakayahan na pagbigyan ang lahat; ang kakulangan ng kagamitan, silid-aralan, at guro. Ang ugat ng lahat ng ito ay ang papaliiit na budyet ng edukasyon sa bansa.

Hindi nakikita ng kasulukuyang pamahalaan ang tunay na kahalagahan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa. Para sa mga makapangyarihan, ang pagbabayad ng utang-panlabas at ang pagpapaunlad ng sandatahang lakas ang siyang magpapaunlad sa ating ekonomiya.

Walang masama sa pagbabayad ng utang lalo na kung ito ay ginamit para sa ikakaunlad ng bayan. Ngunit ang utang na sinasalo ng mga mamamayan ay hindi naman ginamit sa ikakaunlad nila kungdi ng iilan lamang.

Wala din namang masama sa pagpapaunlad ng sandatahang-lakas. Ayon sa batas, sila ang magbigigay ng proteksyon sa bayan. Ngunit, sa mga nagaganap sa ating lipunan, ang mga naatasang protektahan ang masa ay ang siyang nananakit sa mga ito.

Sa mga nagdaang Hunyo ay lalong tumitindi ang paniniil sa karapatan sa libreng edukasyon sa bayan. Ilang mga SUCs na ang nagsara. Ang dating mahigit sa  walong daang SUCs, isang daan mahigit na lamang ang naiwang nakabukas. Tuluyan na kasi inabanduna ng pamahalaan ang mga state-run schools na ito. Unti-unting binabawasan ang kanilang budyet, lalo na ang MOOE.

Isa ito sa mga kondisyon ng IMF-WB sa pagpapautang sa atin. Isa itong indikasyon ng pagpapasapribado at pagkokomersalisa sa edukasyon sa bansa. Mismong ang Malacanang ang nagpapakita ng pagnanais na maging pribado at "independente" ang mga SUCs mula sa tulong ng pamahalaan.

Noong nakaraang Disyembre ay inaprubahan ang 300 porsiyentong pagtaas ng matrikula sa sinasabing premier state university ng bansa, ang Unibersidad ng Pilipinas. Kahit sa mahigpit na pagtutol ng mga mag-aaral at guro ay ipinasa pa din ng Malacanang-led Board of Regents ang pagtataas na ito. Para daw sa ikakaunlad ng academic community ng UP, pero sa katotohanan ay ito ay para lamang sa pagbabayad ng mga expense ng unibersidad sa kuryente, tubig, etc. Kaunlaran bang matatawag ito?

Ngayong pasukan, nasaksihan ang matinding pagbaba ng bilang ng mga freshman sa UP. Hindi kasi nila kaya na saluhin ang ganoongkalaking matrikula. Kahit na may STFAP na sinasabi ay hindi iyon nagbibigay ng seguridad sa mga freshman. Isang faulty na proseso lamang na nagpapanggap na tulong ang STFAP.

May mga magulang rin kaming nakausap na kinakailangan pang mangutang para lamang mapag-aral ang mga anak sa isang tinatawag na STATE U. Sinasabi nila na malaki pa din naman daw ang sinasagot ng estado sa matrikula ng mga bagong iskolar ng bayan. Hindi ba nila naisip na dapat nga ay libre ito, at isang sakripisyo na ang pagbabayad ng 300 pesos per unit noon. Ito ay dapat sagutin ng pamahalaan, hindi dapat pasanin ng mag-aaral.

Nitong nakaraang buwan lang ay narinig rin natin na pinanigan ng Malacanang ang pagtataas ng matrikula ng ilang pribadong eskwela. Ito daw ay para pagtaas ng akademikong pamantayan ng mga paaralan. Itinutumbas na naman nila ang halaga ng pera sa ganda ng pagtuturo. Hindi pa din ba sila natatauhan na isang maling pananaw ito. Napakadaming paaralan na naggagandahan ang mga pasilidad ngunit bulok naman ang paraan ng pagtuturo. At napakadaming paaralan na kulang sa pasilidad ngunit napakaganda ng kurikulum.

May ilang mga estudyante naman ay nagkikibit-balikat sa mga pagtaatas na ito, lalo na sa UP. SInasabi nila na ito daw ay isang sakripisyo na lamang nila para makapag-aral ang mga mas mahirap sa kanila. Gumising nga kayo sa katotohanan! Huwag kayong magpakabulag sa mga pangarap ninyong maging superhero. Hindi ba ninyo nakikita na sa pagpayag ninyo ay lumilikha kayo ng atmospera na ayos lang na abandunahin ng pamahalaan ang karapatan na dapat ay pantay-pantay natatanggap ng mga kabataan.

Mga kabataan, ipaglaban ninyo ang karapatang makapag-aral. Hindi dapat kayo magpadala sa maling panannaw na ikinakalat ng mga makapangyarihan sa lipunan. Huwag hayaang sila ang magdikta kung ano ang tama. Lumaban. Manindigan.

Ipaglaban ang karapatan sa edukasyon! Itaas ng subsidy sa edukasyon! Itigil ang komersalisasyon ng edukasyon!

 

Nagwawala na siguro siya ngayon

June 3rd, 2007 by abahakoito

Nagwawala na siguro siya ngayon. Nagwawala dahil hindi natupad nag binabalak nila ng mga alipores niya na patahimikin ang mga taong tunay na nagtatag ng kalayaan at karapatan ng masang Pilipino. Nagwawala na siguro siya dahil ang inaakalang niyang matagumpay na plano ay palpak pala. Unti-unti na siguro siyang nanggagalaiti sa isang sangay ng pamahalaan dahil hindi siya hinahayaan nitong maghari-harian. Baliw nga siya. Baliw sa kapangyarihan. Baliw sa kakasunod sa amo niyang nagpapanggap na mabuti, ngunit halimaw naman sa kaloob-loob nito.

Tuwa at paninindigan

May 31st, 2007 by abahakoito

Unang araw ng Hunyo ngayon. Mahigit sa dalawang linggo na akong nagtatrabaho sa Center for Media Freedom and Responsibility. Tulad ng mga nakaraang araw, pagkarating sa opisina ay binuksan ko ang desktop p.c. na nakatakda sa akin. Matapos, naglog-in ako sa  Yahoo! messenger.

Ilang saglit ay may nag-iwan sa akin ng mensahe: "Nasa CMFR ka na daw?" Si Lawrence, upper classman at orgmate ko sa UP CMC. Sabi ko, "Oo, bakit po?" Sabi niya,"wala lang. Bagay ka diyan." Isa lamang ito sa mga reaksyong mala-I-told-you-so na natanggap ko mula sa mga kaeskwela ko nang malaman nila na nasa CMFR na ako. Siguro, dahil parang halos dalawang taon na akong nagtatrabaho sa CMFR. Scanner kasi ako sa JVO noong 2005 at 2006, at dito din ko din isinagawa ang internship. Alam ko naman na walang masamang ibig pakahulugan ang mga kaibigan ko. Natutuwa nga sila at natupad ang kagustuhan ko na magtrabaho sa isang NGO na tunay na tumutulong sa lipunan.

Bago pa kasi kami magtapos ay binabanggit ko na sa aking mag kaibigan na baka hindi ko magustuhan ang buhay sa isang multinational company o kaya sa isang PR firm. Hindi sa hindi ako palakaibigan at matiisin. Hindi ko langkayang sikmurain na pumasok sa isang trabaho na hindi ko maaaring maipagpatuloy ang laban na sinimulan ko noong ako ay nasa UP pa. Hindi ko din kayang talikuran ang mga aral mula sa pakikipaglaban namin sa mga mapang-aping grupo sa lipunan. Hindi ko din kayang kalimutan ang mgaturo ng mga propesor ko sa CMC tungkol sa etika at prinsipyo.

Maliban dito ay gusto ko ring maisagawa ang mga natutunan ko sa aking kurso, ang Pamamahayag. Hindi man sa dyaryo ito o sa telebisyon ito, sa tingin ko ay mas higit na maisasabuhay ko ang pagiging tunay na "watchdog" ng lipunan rito.

Sa mga susunod na post ko na lang ikukwento ang buhay dito. Mabuhay, mga kasama! Serve the People!

“Truth will set you free,” ika nga niya.

May 14th, 2007 by abahakoito

Kailangan ko ang lahat ng tapang sa mundo para magawa kong ipagtapat kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ewan ko ba kung bakit napakahirap. Ito naman ang katotohanan. Tila kasi sa lipunang ito ay mas madali pa ang pagtalikod sa nararamdaman kaysa magtapat. Dahil siguro ito sa patriyarkal na pananaw na nananaig sa ating lipunan at naipunla sa ating isipan.

Pero ngayon na ang panahon para basagin ang pananaw na ito. Alam ko na sa pagiging tapat ko lang makakamit kung ano ba talaga ang nais ko at magiging madali ang pagkilos ko. Bakit ka matatakot kung ang lalabas sa iyong bibig ay pawang katotohanan? Sabi ko nga sa isang kaibigan, "Paano natin maaabot ang pinapangarap kung tatalikdan natin ang katotohanan at magkukubli na lang sa mga kasinungalingan?"

To Batch 2007

May 14th, 2007 by abahakoito

We need a scientific, nationalist and mass-oriented education in this country.

My fellow graduates, we finished 16 years of formal education. And during this span of time, we saw how the present administration disregarded the rights of the people to education. We saw how certain persons manipulate the need for education for their own growth. We saw how the right to education was turned into a privilege for the sake of profit. We saw how important it is for a person to have a college diploma to survive in this country. Most importantly, we saw the importance of creating an education system that is scientific, mass-oriented, and nationalist in order to bring this country progress. Equipped with this knowledge and the skills needed, we should continue the fight — the fight to bring real progress in our education system and in our nation.

Let us now take this fight forward! FIGHT FOR GREATER STATE SUBSIDY FOR EDUCATION! FIGHT FOR OUR RIGHT TO EDUCATION! CALL FOR NATIONALIST, MASS-ORIENTED, and SCIENTIFIC EDUCATION SYSTEM!

Pigilan?

December 8th, 2006 by abahakoito

Mahirap pigilan ang isang nakatakdang mangyari.
Mahirap piliting huwag itong matuloy.
Hindi mo man inasahan.
Hindi mo man plinano.
Magaganap at magaganap din iyon.
Pero, paano mo maiiwasang masaktan?
Paano mo maiiwasang makasakit?
Paano nga ba? Hay…

Tsk.

November 13th, 2006 by abahakoito

I knew this would happen, but I never thought that it would be the same thing again. Hahaha. I thought you would be more creative this time. But you committed the same act, the same move. Such foolishness.

I did it before. What made you think I can’t do it again? Do you think I can never find out about what you were doing behind my back? I am trained to be a journalist–to investigate things and anomalies. Tsk.

Nevertheless

October 30th, 2006 by abahakoito

I am bankrupt now. Nevertheless, this is a sembreak to remember.

I spent almost two weeks in Davao, specifically in UP Mindanao. We attended the KASAMA sa UP National Congress for Student Councils all over the UP system. It was fun. I met new faces–some from UP Visayas, UP Los Banos, UP Baguio, UP EPP, and UP Mindanao. It was a great experience. I hope to see them all in December during the SR Selection. I miss them all. :D

Expecting the unexpected

August 19th, 2006 by abahakoito

I’ve been sering the studentry for two years now. Although there are improvements to the level of participation the council is receiving from them, I feel we still need to further entice or do whatever that would make them participate. I know for a fact that we can’t have a perfect attendance or participation (I know this word is a redundant entry, but I can’t think of a better word) rate. Some people just don’t care and don’t acknowledge the efforts we’ve put to every event and activity. But, I can’t help to feel remorse (such a strong word!) or sad about this lack of participation. Afterall, mass communication students are known to be active, or let me say "bibo" when it comes to these kinds of things.

And this coming September, the council will again launch the Mass Media Awareness Month. We lined-up several activities that caters the need of the college, as well as high school students. We also planned a concert (we already got 97.1 as a co-presentor) on September 22. Why am I saying all these? Because, we are expecting that UP students, especially MassComm students, will help and support the council in our endeavor to promote a "Proactive and Transformative Media for a Free Filipino Society (the MMAM theme)." I know all my colleagues in the student council are as nervous as I am. This month is gonna be a big month, and will determine if we can hold big events for the second semester.

I am wishing that CMC students, faculty and staff will support us. Also, I am calling other schools and universities to help us promote this month and the formation of a proactive and transformative media (If you have inquiries regarding the MMAM–concert, media summit for hs students, symposium, production festiveal–you can contact me through my mail (lani1386@yahoo.com), here at friendster, or through YM). Thanks.

Haller!

March 4th, 2006 by abahakoito

wahhhhhhhhhhhhhh…ngayon lang ako uli napadaan sa blog kong ito…hehehe…sobrang busy sa school…pamatay ang mga requirements….pamatay sa utak…pamatay sa bulsa…

Anyway, I just dropped by to let you all know I’m still alive.